Lalaking may ‘anting-anting’ bigo sa pagtangay ng motorsiklo

Huli sa akto ang tangkang pagtangay ng isang lalaki sa motorsiklong nakaparada matapos ito madatnan ng may-ari.

Kinilala ang suspek na si Alyas Jose, 37-anyos, habang ang may-ari ng motorsiklo ay si Jayson Cardente.

Read More:  Two passengers intercepted in Iloilo over suspected marijuana

Ayon sa ulat, habang nakaparada ang motor sa Brgy. East Poblacion, Naga, Cebu nadatnan nitong nakasakay ang lalaki.

Mabilis na nakahingi ng tulong ang biktima kaya agad na nahuli ang suspek.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Napag-alaman na ang mga bote na ginawang kwentas nito ay ginagamit upang ma-kontrola umano ang anumang sasakyan.

Sa ngayon, hinahanda na ng mga otoridad ang kasong kahaharapin ng suspek.