Kampo ni Mayor Guo – naghain na ng mosyon para i-lift ang suspension ng Ombudsman

Nagtungo na sa Office of the Ombudsman ngayong araw ang mga abugado ni Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ay para ihain ang kanilang motion for reconsideration with an urgent motion to lift preventive suspension.

Read More:  Seven suspected vintage bombs found at QC junk shop

Hinggil ito sa 6-month suspension without pay laban kay Guo, maliban pa sa dalawang mga empleyado ng munsipyo.

Nag-ugat ito sa ‘di umano’y kuneksyon niya sa POGO, kung saan ay nagkaso na rin ng graft ang DILG laban sa aklade.

Read More:  VP Duterte says officials should stop politics and prioritize peace, order, and development

Una nang sinabi sa panayam ng Brigada NewsFM kay Atty. Stephen David na bagamat nirerespeto nila ang kapangyarihan ng Ombudsman na magpataw ng suspension – sana man lang daw ay nabigyan sila ng pagkakataong makapagpaliwanag.