Sen. Risa: Guo, ‘konektado’ sa convicted money launderers sa Singapore

Isiniwalat sa inilabas na press release ngayong araw ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na may koneksyon si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa mga kriminal na siyang fellow incorporators nito sa kanyang kumpanyang Baofu Land Development, Inc.

Mayroon daw kuneksyon si Guo sa convicted na sina Zhang Ruijin at Baoying Lin.

Sina Zhang at Lin ay na-aresto sa Singapore dahil sa umano’y itinuturing na ‘largest money laundering case.’ doon.

Ang alkalde ay iniuugnay kina Zhang at Lin, sa kumpanyang Baofu.

Ani Hontiveros, marami pang red flag kung tutuusin si Guo mula pa lang sa kanyang kawalan ng school records dahil sa di umano’y homeschooling nito.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Dagdag pa niya, tila ito rin ang rason ng ‘lavish lifestyle’ nito kung kaya’t may pambili ito ng mga chopper at luxury cars.

Alinsunod nito, wi-nelcome ng senador ang aksyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pag-alis ng kapangyarihan kay Guo sa mga local police.

Sa pamamagitan nito, mawawalan umano ng protector ang alkalde.

Sa hiwalay na panayam, idiniin ng kaniyang kampo na tila’y ‘contradictory’ raw ang mga akusasyong espiya si Guo ng China.

Sabi ni Atty. Stephen David – paano raw siya magiging espiya ng China, gayong bawal nga raw ang POGO sa China.

Bago ito, sa isang statement ay nilinaw na ng Alkalde na wala siyang koneksyon sa POGO at hindi rin siya espiya.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Dismayado rin daw sila sa ginawang pag-revoke ng deputization.

Ayon kay David na ‘di man lang siya nabigyan ng due process.

Ngayong inirekumenda na raw ng DILG ito, wala na raw silang paraan pa para umapela at kontrahin ang desisyon.

Sabi ni Atty. David, sana man lang daw ay nabigyan sila ng pagkakataon para linawin ang kanilang sarili lalo na’t kayang kaya naman daw nilang sagutin ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Maaalalang inirekumenda ni Interior Sec. Benhur Abalos sa NAPOLCOM na i-revoke ang kaniyang deputization habang gumugulong pa ang imbestigasyon sa ‘di umano’y kaugnayan niya sa POGO.