Hindi pa tuluyang nakakalusot si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa makapangyarihang kamay ng Commission on Appointments (CA)
Ito ay matapos ang pagsuspinde ni Representative Rodante Marcoleta rito dahil sa kakulangan ng oras.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, ‘defer’ pa lang ito at hindi pa ‘bypass’.
Alinsunod nito, maari umanong isagawa bukas ang pagpapatuloy ng deliberasyon depende sa magiging desisyon ng komite.
Samantala, kung ma-bypass naman umano si Cacdac ay maari pa ring i-reappoint ito upang dumaan muli sa CA.
Maalala, ilan lang sa mga pinuna ng mga oppositors laban kay Cacdac ang di umano’y madalas niyang pa-media exposure na agad naming dinepensahan ng kalihim na paraan lang nila ito upang isapubliko ang sitwasyon ng Overseas Filipino Workers (OFW).