Inakusahan ng Kyiv ang Moscow na nag-iimbak umano ng malalakas na armas sa pinakamalaking nuclear power plant sa Europe na inoukupahan ng Ukrainian territory, matapos sabihin ng Russia na nagpaputok ang tropa ng Ukraine sa naturang pasilidad.
Ayon sa Ukraine state energy company Energoatom, nagpasok ang Russia ng mahigit dalawang dosenang pioraso ng military equipment at bala sa engine room ng first reactor.
Dagdag nito, patuloy na nilalabag ng mga omoukupa rito ang lahat ng norms at requirements hinggil sa pagpapaputok, nuclear at radiation safety ng NPP operation, pagtatago ng heavy military equipment, ammunition, weapons at explosives.
Una nito, inakusahan ng Russia ang Ukraine na nagpapautok ngayong linggo sa Zaporizhzhia plant.
Samantala, sinabi naman ni foreign ministry spokeswoman Maria Zakharova, na nais bumuo ang Kyiv ng mga kondisyon para s anuclear disaster, hindi lang para sa kanilang teritoryo, kundi sa buong Europe.
