Sen. Koko: VP Sara – kailangan ng ‘professional help’

Inamin ni Senador Koko Pimentel na nakaramdam siya ng pagkabahala sa mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa pamilyang Marcos.

Anya, tila ‘ununsual’ o ‘strange’ kasi ang naging paraan ng pananalita nito sa press conference kung kaya’t inakala pa niyang artificial intelligence ang sinabi nitong pagputol ng ulo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Kasunod nito, matapos malaman ng senador na totoong sinabi ito ng bise presidente ay pinayuhan niya itong humingi ng professional help upang mailabas ang kanyang damdamin.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Ngunit sa kabila nito, itinuturing na ‘welcome development’ ni Pimentel ang pag-criticize ni Sara sa administrasyon dahil nakakatulong umano ito sa check and balance.