Kunektado sa POGO ang dinukot na na Chinese national sa Bustos, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Sinabi ni PNP PIO Chief BGen. Jean Fajardo na batay ito sa resulta ng isinagawang initial profiling ng PNP Anti-Kidnapping Group.
Aniya, sa ngayon ay nakapagbayad na ng 5 milyong pisong ransom ang kampo ng biktima.
Ngunit idinaan ang bayad sa pamamagitan ng cryptocurrency.
Sa kabila ng pagbabayad ng ransom hindi pa pinapakawalan ang dayuhang biktima.
Base sa pahayag ng mga testigo sa krimen, nangingisda ang biktima kasama ang iba pang Chinese nationals nang lapitan ng 4 ng mga lalaki.
Pagkatapos nito ay kinuha umano nila ang biktima, sinakay sa sasakyan at tumakas papunta sa Bypass road sa Barangay Bonga Menor sa Bustos.
Ayon pa sa report, nagtungo sa Bustos Municipal Police Station ang live-in partner ng biktima at sinabing nakatanggap ng text message ang pinsan ng biktima na nanghihingi ng mga suspek ng Three Hundred Thousand US dollars na ransom.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang PNP-AKG sa foreign counterparts nito upang alamin kung saan at sino ang tumanggap ng ransom.