Antas ng kahirapan sa bansa, bahagyang bumaba ayon kay PAPA Sec. Gadon

Bahagyang bumaba ang antas ng kahirapan sa bansa, ayon yan kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation o PAPA Secretary Atty. Larry Gadon.

Ayon kay Gadon, nabawasan ng 1.3% ang poverty incidence sa bansa.

Dahil noon anyang nakaraang taon, nasa 24.7% ang poverty incidence sa bansa, at sa kanilang current data ay nasa 23.4% na lamang ito.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Katumbas anya ito ng 11 million na pamilya na naka ahon sa kahirapan.

Isa anya sa mga factor nito ay ang muling pagbubukas ng ekonomiya mula noong nagpatupad ng lockdown, kung saan sa ngayon ay nasa 5.7% ang GDP growth ng Pilipinas na pinaka mataas sa mga bansa na nasa Southeast Asia.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Maliban sa poverty rate, nabawasan din umano ang self-rated hunger ng nasa 800 thousand families.

Malaking tulong daw dito ang ipinatutupad na programa ng pamahalaan tulad ng TUPAD, at iba pang social protection programs ng pamahalaan.