Sen. Imee – iginiit na hindi siya namamangka sa dalawang ilog

Tiniyak ni Senadora Imee Marcos na nagkaroon na sila ng pagkakaintindihan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. matapos niyang tanggihan na mapabilang sa senatorial slate nito.

Sa pagpa-file ni Sen. Imee ngayong araw sa COMELEC – muli niyang nabanggit na nagsusuportahan pa rin sila ng kaniyang kapatid.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Samantala, muli naman niyang iginiit na hindi siya namamangka sa dalawang ilog.

Si Senadora Imee Marcos ay tatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party ngunit nilinaw niyang hindi siya kaalyado ng anumang grupo.

Pero bago maghain ng kandidatura, dumalo muna ang senadora ng isang banal na misa sa Malate, Maynila kasama ang kanyang ina na si dating first lady Imelda Marcos.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Bukod sa kanyang Ina, kasama rin ng senadora ang kanyang mga anak na sina Borgy Manotoc at Atty. Michael Manotoc sa pagsusumite ng kanyang kandidatura.