Nananatili pa rin sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Julian na may international name na Krathon.
Sa 11am bulletin ng PAGASA – huling namataan ang sentro ng bagoy sa layong 265 kilometro, kanlurang hilagangkanluran ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 165 kilometro kada oras at bugsong papalo ng hanggang 205 kilometro kada oras.
Nagkaroon din ng ‘significant’ na pagbabago sa track ng Bagyo kaya naman sa mga susunod na araw ay posibleng hindi na ito direktang maka-apekto at magdala ng matinding ulan sa bahagi ng Batanes.
Inaasahan itong magla-landfall sa Taiwan ngayong gabi, o bukas ng umaga.
Inaasahan namang magtuluy-tuloy ang paghina ng bagyo.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes, Babuyan Islands, northern and western portions ng Ilocos Norte (Pasuquin, Sarrat, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, San Nicolas, Dumalneg, Laoag City), at northwestern portion ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Claveria).