Pagbasura ng writ ni Roque – wi-nelcome ng ilang Kongresista

Welcome para kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang pagbasura ng Korte Suprema sa inihaing Writ of Amparo ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque laban sa contempt order na ipinataw ng Quad Committee sa Kamara.

Ayon kay Adiong, binibigyang-diin ng ruling ang papel ng Kongreso sa pagpapatupad ng legislative powers nito partikular sa pagsasagawa ng inquiries in aid of legislation.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Mahalaga aniya ito sa pagsisiguro ng transparency, accountability at paghahanap sa katotohanan.

Naniniwala rin si Adiong na pinagtitibay ng desisyon ang oversight function ng Kamara para i-monitor at i-review ang hakbang ng ibang sangay at institusyon.

Sa pagpapanatili sa contempt order ay lumakas umano ang kapasidad ng lehislatura na panagutin ang mga opisyal at ahensya.

Dagdag pa ng kongresista, napanindigan sa pasya ng korte ang pagiging independent at authority ng Kongreso na magkasa ng imbestigasyon nang walang balakid o abala.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Bilang co-equal branch ng pamahalaan ay taglay umano ng Kongreso ang eksklusibong kapangyarihan na mag-imbestiga ng mga isyu na nasa hurisdiksyon nito.

Sinabi ni Adiong na naitataguyod ang demokrasya sa pamamagitan ng pagprotekta sa kakayahan ng Kongreso na tuparin ang legislative functions nang may integridad at patas.