PNP Chief Marbil, pinuri ang Central Luzon Police sa mabilis na paglutas sa kaso ng brutal na pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga

Pinuri ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang Central Luzon Police dahil sa mabilis na paglutas sa kaso ng brutal na pagpatay sa mag-asawang online seller na sina Arvin at Lerma Lulu sa Pampanga.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Gen. Marbil ang kanilang pangako na protektahan ang publiko at tiyakin ang katarungan para sa lahat ng biktima ng karahasan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ang mag-asawang Lulu ay pinababaril hanggang sa mapatay ng mga suspek na sakay ng motorsiklo noong October 4.

Naaresto ang tatlong suspek, kabilang ang sinasabing mastermind na may utang na P13 milyon sa mga biktima, na itinuturing na motibo sa krimen

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Nag-hire umano ang mastermind ng mga hitman sa halagang P900,000 upang patayin ang mag-asawa at nakawin ang mga mahahalagang bagay mula sa kanilang tahanan.

Sa kasalukuyan, mayroong apat pang suspek na nahaharap sa mga kasong double murder, habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang indibidwal na maaaring may kaugnayan sa kaso.