Sen. Hontiveros, sinabing karapatan ni Guo na maghain ng petisyon bago ang Korte Suprema

Nilinaw ni Senadora Risa Hontiveros na bukas naman kahit sa sinumang indibidwal o nationality ang Korte Suprema ng bansa.

Alinsunod nito, walang nakikitang mali ang senadora sa paghahain ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng petisyon dahil karapatan naman umano nitong hilingin sa Korte na pigilan ang Senado na ipatawag siya sa pagdinig hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Kasama sa nasabing petisyon ng kampo ni Guo ang paghiling ng temporary restraining order sa pagpapatupad ng subpoena laban sa kanya.

Sa ngayon, hinihintay na lang umano ng komite ni Hontiveros ang kopya ng petisyong inihain ni Guo.

Samantala, nilinaw naman ni Hontiveros na sa ilalim ng batas ng Senado, mayroong kahihitnan o bunga ang hindi pagpansin sa subpoena dahil kahit kailan ay hindi naging optional ang pagsunod dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *