PNP, handang magbigay ng security assistance kung maglalabas ng arrest order ang Senado vs suspended Mayor Guo

Nakahanda ang Philippine National Police na magbigay ng security assistance kung hihingin ng Senate Sgt. at Arms.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y kung ipatutupad na ng Senado ang arrest order laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa kabiguan nitong dumalo sa pagdinig sa Mataas na kapulungan.

Paliwanag ni Fajardo, tungkulin ng Senate Sgt at Arms na ipatupad ang arrest warrant, kung saan tanging police security assistance lamang ang maibibigay ng Pambansang pulisya.

Sa ngayon, ayon kay Fajardo wala pa silang natatanggap na impormasyon kung naglabas na ng arrest order ang Senado laban kay Guo at iba pang sangkot hinggil sa ilegal na POGO sa Tarlac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *