Sen. Go nagpa-abot ng pagbati kay pinay weightlifter Hidilyn Diaz matapos nitong masungkit ang unang gold sa Olympics

Nagpaabot ng pagbati si Senador Christopher Bong Go para kay pinay weightlifter Hidilyn Diaz matapos nitong masungkit ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympics.

Sa isang pahayag sinabi ni Go na nakikiisa siya sa buong sambayanang Pilipino sa pag-saludo sa husay at galing ni Diaz.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Naniniwala ang Senador na ang pagsisikap, disiplina at tagumpay ni Hidilyn ay magbibigay inspirasyon sa lahat, lalo na sa mga kabataang nagnanais na maging atleta.

Ang makitang itinataas ang bandila ng Pilipinas ayon kay Go ay nagbibigay din ng lakas ng loob para manatiling lumalaban sa mga pagsubok ngayong pandemic.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ayon kay Go, na bilang chair ng Senate Committee on Sports, ay nais niyang magpasalamat, sa ngalan ng lahat ng mga Pilipino, kay Hidilyn dahil sa pag-asa at karangalan na inihatid nito sa ating bansa.