Bilang ng mga namatay dahil sa COVID- 19 sa Camarines Norte sumampa na sa 64

CAMARINES NORTE – Patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa isinagawang Operational Period briefing kahapon, iprinisenta ng Provincial Health Office ang COVID- 19 update sa lalawigan kung saan batay sa datos ay sumampa na sa 64 ang bilang ng mga namatay as of July 26.

Pinakarami sa bayan ng Daet na may 21 na sinusundan ng Labo na mayroong 12.

Pinakaunti naman sa Capalonga na mayroong naitalang isang pagkasawi

Sa labingdalawang bayan tanging ang bayan lang ng San Lorenzo Ruiz ang walang naitalang namatay sa COVID- 19.

Ang mga naitalang namatay ay nagmula sa iba’t- ibang ospital sa lalawigan tulad ng Camarines Norte Provincial Hospital, Labo District Hospital, Leon Hernandez Memorial Hospital, Daet Doctors Hospital, Our Lady of Lourdes Hospital at Santisima Trinidad Hospital of Daet.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Mayroon ding namatay sa mga ospital sa labas ng lalawigan tulad ng Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Camarines Sur, Cardinal Santos Medical Center sa Metro Manila at Medical Center Taguig at sa labas ng ospital na  mula naman sa bayan ng Jose Panganiban.

Sa kasalukuyan ay mayroong  34 na COVID patients sa CNPH.

Labingdalawa dito ay suspect at siyam naman ang confirmed.

Sa isolation ward, anim sa medical, tatlo sa OB isa sa Pedia at talo naman sa Philhealth ward.

Inilatag din ng PHO ang mga preventive measures na kanilang ginagawa kabilang na ang pagsasagawa ng training sa mga BHERT for infection prevention and surveillance.

Nagsasagawa rin ng infection prevention practices sa mga ospital, implementasyon ng minimum health standard alinsunod sa Executive Order at higit sa lahat ay ang pagbabakuna sa kabila ng kakulangan ng suplay nito.

Nasa 300 anti- flue vaccines din ang ibinigay sa mga frontliners.