Sen. Go hindi pabor sa mungkahing tanggalin ang mga licensure examinations sa mga professionals

Hindi sang-ayon si Senador Christopher Bong Go sa mungkahing ibasura ang pagsasagawa ng licensure examinations sa mga graduate na nakatapos ng kanilang mga kurso.

Paliwanag ni Go mahalaga pa rin ang mga board examinations upang magsilbing batayan ng mga propesyunal sa bansa.

Dagdag pa ng mambabatas na dito din malalaman kung pwede na nilang gampanan ‘yung kanilang propesyon base sa kurso na kanilang natapos.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Naniniwala din si Go na maraming mga estudyante at mga professional ang hindi sang-ayon na tangagalin ang board at bar exams sa kanilang propesyon.

Samantala inihayag naman ni Go na bilang Senate Committee Chair on Health, ay pinakiusapan na niya ang IATF na bigyan ng COVID-19 vaccines kaagad ang mga PRC examiners para hindi na ma-postpone ‘yung mga board at bar exams lalo na sa mga health care professionals na kailangan ngayon ng bansa dahil sa pandemic.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nabatid na noong July 2019 isinulong ni Go ang Senate Bill No. 395, o ang “Advanced Nursing Education Act of 2019” na naglalayong protektahan at pangalagaan ang nursing profession, magkaroon ng magandang working condition, at maayos na career prospects ang mga nurses sa bansa.