Tiniyak ni Senador Win Gatchalian na tuloy lang sila sa pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.
Ito ay sa kabila ng kanyang natanggap na death threat o banta sa buhay na kanyang isiniwalat kamakailan sa media.
Anya ‘unbothered’ naman siya rito pero nagdagdag na rin siya umano siya ng kanyang security at sumasailalim na rin siya sa mga precautionary measures tulad ng pagpunta sa mall ng may kasama.
Kasunod ito sa nag-circulate na video online na nagsasabi na may patong sila sa ulo ni Senadora Risa Hontiveros dahil sa di umano’y isinasagawa nilang imbestigasyon sa POGO.
Ayon kay Gatchalian, nung alkalde pa siya ay may nagsabi naman sa kanya na kung may gustong tumarget sa kanya ay tiyak na hindi ito ipapaalam sa kanya at kusa na lang na ito mangyayari.
Maalala, sinisilip na ng Philippine National Police (PNP)- Anti-Cybercrime Group ang tungkol dito at kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa senador.