Sen. Risa: Guo, mas marami pang post sa FB, kaysa sa inquiry attendance

Binatikos ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang panibago na namang post na inilabas ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o ‘Guo Hua Ping’ sa kanyang social media.

Sa nasabing post, sinabi ni Guo na nagsisisi siyang hindi siya nakadalo sa kamakailang dalawang pagdinig dahil sa kanyang pagiging physically at mentally unwell.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Maliban pa roon, nanawagan naman din siya sa awtoridad na imbestigahan ito ng mabuti upang hindi na masama pa ang ibang inosenteng tao.

Bilang pag-rebutt ng senadora, sinabi niyang tila mas marami pang post si Guo sa social media kaysa sa pagdalo nito sa pagdinig na siyang isa namang pagsunod sa batas.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Ayon kay Hontiveros, kung gusto pala nito ng ‘peace of mind’ ay dapat hindi ito umiiwas sa tanong.

Dagdag pa niya, tila isang panibagong imbento lang naman din ang pinagpo-post nito tuwing siya ay naglalog-in sa Facebook.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng senadora na hindi naman ito fixated sa kanya pero allergic lang sila sa pagsisinungaling nito.