Sen. Gatchalian – napagalitan si ex-pres. Spox Roque dahil sa pagsapaw sa pananalita ni Senadora Hontiveros

Pinaalalahanan sa naganap na pagdinig ni Senador Win Gatchalian si Atty. Harry Roque na magpakita ng respeto sa chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na si Senadora Risa Hontiveros.

Kasunod ito sa hindi pagpapatinag ni Roque sa pagsasalita sa kabila ng pagsabi ni Hontiveros ng ‘excuse me’ sa kanya.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Maliban pa roon, nangatwiran din ito na inimbitahan siya bilang resource speaker kaya hindi niya maitindihan bakit siya pinapatigil sa pagsasalita.

Matapos ito, agad namang pinagalitan ni Gatchalian si Roque dahil sa di umano’y kawalang respeto niya kay Hontiveros.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Nagbanta rin naman siyang ipapa-cite in contempt niya ito kung sakaling gawin muli ito, bagay na agad namang nagtulak kay Roque na humingi ng tawad sa komite.