Sen. Gatchalian, binalaan ang publiko sa bagong GCash scam

Nagbabala kahapon sa publiko si Senator Sherwin Gatchalian sa natuklasan kamakailang GCash scam kasabay ng pagsisimula ng SIM card registration bukas.

Binanggit ni Gatchalian ang isang mapanlinlang na email na tila nagmumula sa GCash Promotions na nagpapayo sa mga tatanggap na ang kanilang mga transaksyon ay pinaghigpitan at upang maibalik ang nasabing feature, ang mga tatanggap ay kailangang mag-pre-register sa pamamagitan lamang ng pag-click sa isang link, isang proseso na posibleng makompromiso ang kanilang online security. Ito ay kinumpirma ng GCash Team bilang isang scam.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sinabi ni Gatchalian , bilang co-author ng Republic Act 11934, o ang SIM Registration Act, ipinaglaban niya ang pagsasabatas nito sa nakalipas na taon dahil nais niyang ma protektahan ang mga gumagamit ng SIM laban sa panloloko ng mga cyber criminals.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Binigyang-diin niya na ang pagsasabatas nito ay magbibigay-daan sa mga awtoridad na masubaybayan ang mga criminal-minded individuals nagsasamantala sa mga customer na walang pag-aalinlangan.

Sinabi rin ni Gatchalian na kasama sa batas ang mga probisyon na magtitiyak sa proteksyon sa mga personal na impormasyon ng ibibigay ng mga customers.//CA