Walang nakikitang rason si dating Philippine National Police (PNP), chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa para paghandaan niya ang sinasabing paghahain sa kanya ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
Paniwala niya, wala namang maghahain sa kanya nito dahil walang hurisdiksyon ang ICC sa bansa sa kabila ng umuugong na balitang sa Seytembre ito nakaamban isilbi sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa niya, wala naman din siyang kontrol dito at kung pangangambahan niya ito ay isa lang itong aksaya sa kanyang enerhiya.
Pero kung sakaling lumabas man umano ang sinasabing warrant ay kumpiyansa siyang hindi ito ipapatupad ng bansa lalo na’t hanggang sa ngayon ay tiwala siya sa pangako ng Pangulo.