Sen. Dela Rosa, naniniwalang ‘para sa interes’ ng mga Pilipino ang ginawang pagbibitiw ni VP Duterte

Tiniyak ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na suportado niya ang anumang desisyon ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos ang pagbibitiw nito sa pwesto bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ani Dela Rosa, bata pa lang si Sara ay hinangaan na niya na ito dahil sa ‘selflessness’ at ‘unconditional love’ nito sa bansa.

Alinsunod nito, tiwala umano ang senador na para sa interest ng mga Pilipino ang naging desisyon nito.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Si Dela Rosa ay isa sa mga loyal supporters ng pamilyang Duterte simula noong siya ay i-appoint bilang Davao City Police Chief ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban pa roon, siya rin ang dating nagtulak kay Sara na tumakbo bilang presidente noong 2022 national and local elections.