Public school teachers na ginawaran ng iba’t ibang awards, maaaring ikonsidera bilang susunod na DepEd Secretary – kongresista

Inirekomenda ni Manila Third District Representative Joel Chua sa Malacanang ang pagtatalaga ng susunod na kalihim ng Department of Education na may track record ng pagiging matagumpay na public school teacher.

Ayon kay Chua, dapat ay mahusay sa larangan ng pagtuturo sa basic education ang mapiling pinuno ng DepEd pati na sa pagresolba sa anumang problema at may multidisciplinary at interdisciplinary experience.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Maaari aniyang simulan ang paghahanap sa mga guro sa pampublikong paaralan na ginawaran ng iba’t ibang parangal tulad ng Presidential Lingkod Bayan Award, CSC Dangal ng Bayan Award at Ten Outstanding Filipinos Award.

Punto ni Chua, bukod sa magaling na educators ay umangat ang mga ito sa karera dahil sa kanilang kakayahan at integridad.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Iginiit din nito na maaaring ikonsidera ang public school teachers na nagturo sa state universities and colleges.

Gayundin ang mga guro na naging entrepreneur upang magbigay ng panibagong perspektibo sa DepEd na ang kaalaman ay higit pa sa basic education.