Estado ng clinical care associates program iniulat ng PSAG-HSG kay Pangulong Marcos

Nagbigay ng update kay Pangulong Bongbong Marcos ang Private Sector Advisory Council- Healthcare Sector Group o PSAC-HSG, patungkol sa mga inisyatibo ng grupo tulad ng Building Capacity and Capability Program.

Partikular ang tungkol sa Clinical Care Associates o CCA program.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Sa naging pulong kahapon sa Malacañang, iniulat ng PSAC-HSG na merong 457 na first batch ng CCA, ang nag re-review ngayon sa pitong mga higher education institution para sa Nursing board exam sa darating na November.

Habang plano pa nilang mag-recruit para sa ikalawang batch sa May ng susunod na taon.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Bukod dito, aprUbado na rin para sa implementasyon ang Enhanced Master’s in Nursing Program, kung saan pinaikli sa isang taon ang dating tatlong taong Master’s in Nursing Program upang tugunan ang kakulangan ng mga Nursing instructor sa bansa.