Sen. Binay, ipinasusuri ang Pilot rollout implementation ng e-visa system sa China, dahil sa maaaring panganib sa seguridad ng Pilipinas

Naniniwala si Senate Committee on Tourism Chairperson, Senador Nancy Binay na importanteng maidaan sa kamay ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Security Council (NSC) ang isinagawang pilot rollout ng e-visa system ng Department of Tourism (DOT) sa China.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ito ay matapos ang patuloy na pag-init ng sitwasyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinag-aagawang teritoryo ng West Philippine Sea.

Ayon kay Binay, imbis na sa China ginawa ang pilot rollout ay dapat sa India nalang ito sinimulan.

Sa kabila nito, iginiit ni Tourism Secretary Christina Frasco na binatay nila ang kanilang desisyon sa nakalap nilang datos na ang China ang pinakamalaking supplier outbound travel ng bansa noong 2019.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Samantala, binigyang-linaw ng DFA na pinaplano na nilang isagawa ang pilot test ng e-visa system sa India matapos ang naunang pilot rollout.