Mga panukalang batas sa Kongreso na magpapababa sa presyo ng langis, pinasesertipikahan sa Malacañang bilang urgent

Katiting na tulong sa mga driver at pasakit sa mga commuter ang provisional increase na piso sa pasahe sa mga jeepney.

Ito ang iginiit ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang petisyon ng transport groups para sa provisional increase na magsisimula na sa October 8.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Castro, ang mas dapat tutukan ng Kongreso ay ang mabilis na pagpasa sa mga panukalang batas na magpapababa sa presyo ng langis at magre-regulate sa oil industry.

Kaugnay nito, pinasesertipikahan na ng kongresista sa Malacanang bilang urgent ang “Lower oil prices bills package” upang gawing prayoridad ng Kamara.

Kabilang sa proposed measures ang House Bill 400 o ang Lower Oil Price Bill na nagbabasura sa excise tax at VAT sa langis; House Bill 3004 o ang “Unbundling Oil Prices Bill” at House Bill 3006 na nagre-regulate sa downstream oil industry.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Umaasa si Castro na maisasabatas ang mga ito upang pigilan ang pagsipa ng presyo ng petrolyo lalo’t ilang Kongreso na ang nagdaan mula nang ihain ito ng Bayan Muna Party-list.