P1000 social pension ng mga indigent senior citizen, dapat maipatupad sa 2024 ayon sa ilang mambabatas

Iginiit ng isang Senador na dapat ng maipatupad sa susunod na taon ang P1,000 na social pension ng mga indigent senior citizen.

Alinsunod ito sa Mandato ng Republic Act No. 11916, na inisponsoran Senate Majority Leader Joel Villanueva noong 18th Congress kung saan dadagdagan ng 100% ang buwanang pensiyon ng mga senior citizen mula sa P500.

Kaugnay nito, hiniling ni Villanueva na tiyaking may may nakalaang pondo para sa dagdag na social pension sa 2024 National Expenditure Program na kung saan naglaan na ng P49.80 bilyon para P1,000 na tulong pinansyal sa mga nakatatanda.

Kung maalala, ilalim ng 2023 General Appropriations Act mayroon lamang P25.30 bilyon ang inilaang pondo para sa social pension habang P25 bilyon sa ilalim unprogrammed funds para sa dagdag pensiyon.

Ngunit sa budget briefing sa Senado, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na wala pang pondong nailabas mula sa unprogrammed na nangangahulugang wala pang indigent senior citizen na nakakatanggap ng P1000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *