Sen. Binay, handa umanong humarap kay SP Escudero upang linawin ang pondo sa bagong Senate Building

Ikinagulat ni dating Senate Committee on Accounts, Chairperson, Senadora Nancy Binay ang mga inilabas na impormasyon ni Senate President Chiz Escudero hinggil sa bagong itinatayong Senate Building sa Philippine Navy Village sa Taguig City.

Ito ay matapos ipag-utos ni Escudero na pansamantala munang ipagpaliban ang anumang kontruksyon o bayarin dito upang pag-aralan kung tama ang mga gastusin.

Ayon kase kay Escudero, umakyat sa P13 bilyon ang orihinal na pondong nakalaan dito na noong una ay nasa P8.9 bilyon lang.

Maliban pa roon, kinakailangan din umano ng karagdagang P23 bilyon upang tuluyan itong matapos.

Alinsunod nito, ayon kay Binay handa siyang humarap kay Escudero o kay bagong Senate Committee on Accounts, Chairperson, Senador Alan Peter Cayetano upang bigyang-linaw ang isyu hinggil dito at maipagpatuloy ang operasyon.

Anya, dapat ding mapabilis ang gagawing pagrebyu dito dahil may sense of urgency ang pagkumpleto nito upang maiwasan ang mga karagdagang gastos dala ng mga penalty o panibagong round ng rental.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *