PBBM – nadismaya nang sabihin ni VP Sara na hindi sila friends

“Maybe I was deceived”

Ito ang sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin siya hinggil sa reaksyon niya ng sabihin ni Vice President Sara Duterte na hindi sila magkaibigan.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Mababatid na sinabi noon ni VP Sara sa budget hearing sa Kamara na kailangan lamang nila noon mag-usap ni Pangulong Marcos dahil magkatandem sila sa kampanya pero hindi sila close friends. Sinabi pa niya na ang kapatid lang ni PBBM na si Senadora Imee Marcos ang kaibigan niya mula pa noong 2012.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Samantala, nilinaw naman ni Marcos na hindi na bahagi ng administrasyon si Duterte kaya hindi niya ito itinalagang caretaker ng bansa nang magpunta siya sa Lao PDR para dumalo sa ASEAN.