Sen. Angara – nilinaw na ‘di aabot sa P6Trillion ang 2024 National Budget

Nilinaw ni Senate Committee on Finance Chairperson, Sonny Angara na hindi tumaas at nanatili pa rin sa P5.768 trilyon ang inaprubahan nilang 2024 National Budget ng Pilipinas sa naganap na bicameral conference committee session.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ito ay sa kabila ng pangamba ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na nagkaroon ng dagdag na P450 bilyon para sa unprogrammed appropriation ng bansa.

Ayon kay Angara, ang sinasabing P450 bilyon ni Pimentel ay para lang sa standby operations ng gobyerno jung saan magkakaroon o magagamit lang ito kung magkakaroon ng sobrang pondo mula sa P5.768 trilyon.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Dagdag pa niya, kung sakali mang magkaroon ng pondo para sa mga tinatawag na unprogrammed appropriation o standy operations ay kakailangan pa ring dumaan ng mga nagnanais na gumamit nito sa Kongreso.