CAMARINES NORTE – Aarangkada na simula sa Pebrero ang seminar para sa mga elected Barangay Official ng Basud, Camarines Norte.
Hiwalay pa ito sa mandatory seminar na itinatakda naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ito ang kauna- unahang pagkakataon na nag- sponsor ang Sangguniang Bayan ng seminar para sa mga elected barangay official.
Ayon kay Vice Mayor Ramir Barrameda kasama na ito sa pinondohan ng SB at gagawin ang ganitong aktibidad sa sa tuwing magkakaroon ng eleksyon sa barangay.
Kailangan umano ito lalo na ng mga baguhan at makakatulong naman sa mga datihan para madagdagan ang kanilang kaalaman.
Kabilang sa mga inihandang paksa ay ang crafting ng resolutions and ordinances, planning and budgeting, Parliamentary rules at Barangay Seal of Good Local Governance.
Una sa listahan na isasalilalim sa seminar ay ang District 1 o ang mga Barangay ng Caayunan, San Pascual at Tuaca na naka- schedule sa Februaray 9 ng taong kasalukuyan kung saan ang venue ay sa Barangay Tuaca.
