‘Selfie’ bawal sa venue na paghahainan ng COC – COMELEC

Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang mga panuntunan sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) na magsisimula bukas, Oktubre 1.

Dahil sa COVID-19 pandemic, maraming mga dating gimik ng mga kandidato tuwing filing ng COC ang mahigpit nang ipagbabawal ng ahensiya.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Kabilang na dito ang paghahakot ng mga supporters.

Sa bagong guidelines ng Comelec, tatlo lamang ang papayagang makasama ng maghahain ng COC para sa posisyon ng pagka presidente at bise-presidente sa 2022 national election.

Habang dalawa naman ang pwedeng kasama ng maghahain para sa senador at partylist.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Maliban dito mahigpit din ipagbabawal ng Comelec ang pag-iingay, pagtambay at pagse-selfie sa venue.

Samantala binigyan diin naman ng Comelec na kailangan sumailalim sa antigen test ang kandidato at mga kasama niro bago makapasok ng venue at dadalhin sa isolation area ang sinumang magpopositibo sa COVID-19.