CAMARINES NORTE- Umarangkada na ang selebrasyon ng Consumer Welfare Month ngayong unang araw ng Oktubre na pinagunahan ng Department of Trade and Industry (DTI).
Dito sa lalawigan ng Camarines Norte nakiisa ang nasa 200 bikers sa kick off activity na nagsimula dakong alas 6 ng umaga kanina na tinawag na “Ride your Bike and promote Consumer rights.”
Nagsimula ang aktibidad sa DTI Provincial Office sa Central Plaza Complex na umikot sa mga pangunahing kalsada sa lalawigan.
Sa kaniyang video message hinimok ni DTI Usec Ruth Castelo ang lahat na makiisa sa month long celebration ng Consumer Welfare Month sa pamamagitan ng pakikilahaok sa virtual activities.
Aniya, hindi lang ang buong DTI family ang kaisa sa selebrasyon kundi maging ang iba pang ahensiya ng gobyerno.
Bagamat virtual ang mga nakalinyang aktibidad dahil sa patuloy na banta ng COVID- 19 ay hinimok ni Castelo ang lahat na gawing masigla at healthy ang selebrasyon.
Nakiisa rin ang Camarines Norte DTI family sa mahigit 400 pang empleado sa iba’t- ibang dako ng bansa sa ginawang virtual dance and fitness class, na tinawag na “Consumer Welfare Zumba” at ito ay ginawa naman dito sa harap ng DTI Provincial Office.
Sabin ni Castelo ang zumba ay hindi lamang isang ehersisyo kundi isa rin umanonng art na maaaring matutunan.
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ay Digital Consumers: The New Normal” na layong i- highlights ang patuloy na consumer protection ng gobyerno ngayong panahon na tinawag na heightened utilization of electronic commerce.
Layunin ng pagdirwang ng Consumer Welfare Month na bigyang pagpapahalaga ang mga karapatan ng konsyumer sa mga produkto.
