Sekyu, patay matapos pagbabarilin sa Nasugbu, Batangas

Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang suspek na bumaril sa isang sekyu habang ito ay nagpapahinga sa isang resort sa Sitio Hulo, Barangay Calayo, Nasugbu, Batangas.

Kinilala ng Nasugbu Municipal Police Station ang biktima na si Carlo Lara y Seguinte, 35 anyos, tubong General Mariano Alvares, Cavite at residente ngayon ng nabanggit na barangay.

Ang nakatakas naman na suspek ay kinilalang si Mervin Bautista y Gomez, residente ng Sitio Karsada, Barangay Looc ng naturang bayan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, tanghali nitong Sabado, July 22, habang nagpapahinga ang biktima ay bigla itong nilapitan ng suspek na may dalang armas saka ito pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng kalibre 45 na baril.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang motibo ng suspek ngunit pinaniniwalaang may matagal nang hidwaan ang suspek at ang biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.