Batangas City – Pinaghahanap na ng pulisya ang isang security inspector na nag awol at tumangay sa mga baril na pinagtatrabahuhang security agency sa Brgy. San Agustin II, Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ng Dasmariñas city police station ang suspek na si alyas Eddie, 32-anyos na nag AWOL sa La Immaculada Security Agency Inc.
Batay sa ulat, bandang 3:00 ng hapon, July 3, 2024 ng lumapit sa himpilan ng Dasmariñas CPS ang Operation Manager ng nasabing ahensya upang ireport ang insidente.
Ayon sa salaysay ng biktima, nagsagawa umano ng ng drug testing sa mga empleyado ang ahensya at napag alaman na nag positibo ang suspek.
Matapos ang nangyaring drug testing ay hindi na raw umano pumasok si alyas Eddie.
Dagdag pa rito, tinangay din daw ng suspek ang sampung uri ng 9mm pistol ng ahensya.
Sa ngayon, ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para sa ikadadakip ng suspek.