Dalawang most wanted person sa Laguna, arestado

Batangas City – Arestado sa magkahiwalay na man-hunt operation ang dalawang city level most wanted person sa Brgy. Dita, Sta. Rosa City, Laguna.

Kinilala ng Laguna PNP ang mga akusado na sina Alyas Chris at alyas Raul na residente ng naturang lugar.

Ayon sa Santa Rosa Component City Police Station, naaresto si alyas Chris sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 154 Biñan City, Laguna na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Act of 2002” na walang nirerekomendang piyensa.

Habang nadakip naman si alyas Raul sa Brgy. Tagapo, sa kasong frustrated murder na may inererekomendang pyansa na aabot sa P200,000 pesos.

Sa ngayon ay hawak na ng mga awtoridad ang mga naarestong suspek at handa ng pagbayaran ang kanilang nagawang kasalanan.