Sekyu, itinangging hinagis ang tuta mula sa footbridge sa QC

Nagsumite ng paliwanag sa Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) ng Philippine National Police ang security guard na si Jojo Malicdem, at kanyang itinanggi na hinagis nito ang isang tuta mula sa footbridge na malapit sa isang mall sa Quezon City.

Batay sa dokumentong isinumite, habang pinapaalis ni Malicdem ang limang vendor sa footbridge, ay tinutuya umano siya ng mga ito.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Dagdag pa ng nasabing guard, inilapit ng babae ang tuta sa kanyang mukha, kaya umano’y natabig niya ito na siyang naging dahilan ng pagkahulog ng hayop.

Kasalukuyang nagsampa ang Animal Rights group na Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ng reklamong paglabag sa RA 8485 o Animal Welfare Act sa Quezon City laban kay Malicdem.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Bukod dito, kung mapapatunanyang nagkasala ang naturang guard ay maaaring makulong ito ng hanggang dalawang taon, at pagmumultahin ng 100,000.