Tatlong rehiyon sa bansa ang magpapatupad ng gun ban sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong July 24.
Ayon kay PNP Directorate for Operations Director PBGen Leo Francisco, kasama sa mga magpapatupad ng gun ban ang National Capital Region, CALABARZON at Central Luzon Police.
Basa sa aprubadong memorandum ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr, 24 oras ang gun ban na iiral mula 12:01 ng madaling araw ng July 24 hanggang 11:59 ng gabi ng July 24.
Ayon kay Franciso, dahil gun ban, suspendido ang lahat ng permit to carry firearms outside residence ng mga gunowner sa 3 rehiyon.
Ibig sabihin bawal muna magbitbit ng baril ang mga gunowner sa nasabing petsa kahit pa mayroon sila valid na PTC o permit to carry firearms outside residence.
Tanging mga law enforcers lang ang papayagang magbitbit ng baril.
Noong unang SONA ni Pangulong Marcos, anim na raw ipinatupad ang gun ban pero pinaikli ito ngayong taon.
