KORONADAL CITY — MAHIGPIT na tinututukan ngayon ng Koronadal City PNP ang seguridad at kaligtasan ng lungsod kaugnay ng nalalapit na May 9, 2011 election.
Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay PLt. Col. Joedy Lito Guisinga, hepe ng Koronadal City PNP, sinabi nito na nakatakda silang magpadala ng mga police personnel sa iba’t-ibang mga lugar sa lungsod lalo na sa mga polling precincts sa araw ng eleksiyon.
Kasama umano nila sa pagbabantay ang Comission on Elections at iba pang mga goverment lined agencies upang masiguro na patas, matiwasay at matagumpay ang pagsasagawa ng 2022 elections.
May mga coordination din umano sila sa mga isinasagawang security checkings.
