Seguridad sa halalan, ‘di apektado ng pagpalit ng PNP chief

Maksisiguro ang publiko na hindi maaapektuhan ng pagpapalit ng hepe ng Philippine National Police, ang inilatag na paghahanda para sa halalan.

Kung matatandaan, nakatakda na kasing magretiro si PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sa Mayo a-otso – bisperas ng halalan.

Ayon kay PNP PIO chief Brig. Gen. Roderick Alba, nakalatag ang kanilang mga hakbang para masiguro ang payapang eleksyon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kaya naman, kahit na ano pa man ang maging kapalaran ni Gen. Carlos – tiyak na handa ang PNP para rito.

Siniguro rin ni Alba na magkakaroon ng seamless transition sa pagitan ni Carlos at ng bagong uupong hepe ng pambansang pulisya.

Matatandaang hanggang sa ngayon ay wala pang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa magiging kapalaran ni Carlos matapos ang retirement nito.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Naka-standby pa rin ang PNP kung magkakaroon na ba ng bagong hepe sa mismong araw ng eleksyon, o ‘di kaya nama’y magtatalaga muna ng isang pansamantalang OIC hanggang sa matapos ang termino ng Pangulo.

Bago ito, una nang kinumpirma ng DILG na nagsumite na ito ng dalawang senior PNP officials para magsilbing OIC ng PNP habang nakataas pa rin ang appointment ban ni Duterte.
#