Pinatitiyak ni Education Secretary Leonor Briones sa kanilang mga personnel na kaagad maibibigay ang mga benepisyo at honoraria ng mga gurong magsisilbi ngayong halalan.
Ayon sa Kalihim, nagdodoble-kayod na ang DepEd Election Task Force 2022 para masigurong hindi madedelay ang honoraria ng mga guro.
Paliwanag ni Briones, kinakailangang hindi madehado ang mga teachers lalo na’t maliban sa trabahong kanilang iraraos para sa halalan, ay mayroon pa ring banta ng COVID-19.

Maliban pa rito, pinasisiguro rin ng Kalihim sa task force na maaalalayan ang ating mga guro mula sa preperasyon, hanggang sa post-election activities.
Kasama na rito ang tulong teknikal, pati na rin ang tulong legal kung kinakailangan.
#