Seguridad ng nasa 2,000 delegado ng Modified Palarong Bicol 2023, tiniyak ng NCPO

NAGA CITY – Inilatag na ng Naga City Police Office ang kanilang Contingency Plan para matiyak ang seguridad ng nasa 2,000 delegado galing sa iba’t-ibang School Division Offices sa rehiyon na lalahok sa Modified Palarong Bicol 2023.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Crisanto Romero, Station Commander ng Police Station 6 sinabi nito na dalawang Paaralan sa kanilang Area of Responsibility ang gagawing Billeting Center at ngayong araw ay mayroon nang inaasahang darating na mga delegado.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon sa opisyal, maglalatag ng Police Assistance Desk ang kanilang himpilan at magtatalaga ng mga personahe na 24-oras na magbabantay sa mga Billeting Centers.

Magiging katuwang dito ng PNP ang mga Barangay Tanod at iba pang Volunteer Groups.