Security Management Section chief ng NBI, inalis sa pwesto

Inalis na ng National Bureau of Investigation sa pwesto ang hepe ng kanilang Security Management Section matapos makalabas sa kanilang pasilidad ang high profile inmate na si Jad Dera noong Martes ng gabi.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Si Dera ay kapwa akusado ni Sen. Leila De lima sa kinakaharap na drug case.

Sa pahayag na inilabas ng NBI, sinabing iniimbestigahan na nila ang insidente at aalamin ang puno’t dulo nito kabilang ang posibleng pagkakasangkot ng ilan sa kanilang mga tauhan.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Tiniyak din ng ahensiya na hindi nila kukunsintihin ang anumang maling gawain na makakapekto sa tiwala ng publiko sa ahensiya. //CA, edited MHEL PACIA