Albay PHO, nagsagawa ng disinfection sa ilang evacuation centers sa lalawigan kasunod ng pagpositibo sa COVID-19 ng isang senior citizen na evacuee

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Albay Provincial Health Office (PHO) ng disinfection sa ilang evacuation centers sa lalawigan kasunod ng pagpositibo sa sakit na COVID-19 ng isang senior citizen evacuee.

Binisita ng tanggapan ang evacuation centers sa Guinobatan Community College, Mauraro High School at Mauraro Elementary School at dito isinagawa ang pagdi-disinfect sa mga tent, mga sulok ng silid-aralan, mga palikuran, at sa mga lugar kung saan pa naglalagi ang evacuees.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon naman sa Department of Health (DOH) Bicol, mas pinalalakas nila ang COVID-19 Prevention And Control Measures sa ilang mga evacuation centers sa lalawigan, lalung-lalo na sa Daraga dahil mula rito ang nasabing pasyente.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Mula naman nang makumpirma ang unang COVID-positive evacuee, hinikayat ng DOH Bicol ang mga evacuees na magpabakuna.