Security at defense agreement sa pagitan ng PH at Germany, balak lagdaan bago matapos ang taon

Nagkaharap sa Palasyo ng Malacañang ngayong umaga sina Pangulong Bongbong Marcos at German Federal Defense Minister na si Boris Pistorius.

Pinasalamatan ng Pangulo ang patuloy na pag suporta ng Germany sa rules-based international law.

Iniulat naman ni Pistorius kay Pangulong Marcos ang napag usapan nila ni Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Kabilang ang planong malagdaan ang security at defense agreement sa pagitan ng Pilipinas at Germany bago matapos ang taon.

Sa katunayan, meron na anya silang naipadalang draft nito pang nakalipas na linggo at patuloy na tinatrabaho.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Kumbinsido si Pistorius na mahalaga ang pagkakaroon nito ngayon upang suportahan ang rules-based international order.

Ipinunto ng German Defense Minister na ang katatagan ng isang rehiyon ay katatagan din ng iba pang rehiyon.