Pormal na inanunsyo ngayong araw ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pagbaba niya bilang Vice President at miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP).
Ito ay bilang tugon sa hiling ni PDP President, Senador Robin Padilla na bumitiw na siya sa pwesto upang makapagpokus sa kanyang bagong responsibilidad sa Senado.
Ayon kay Tolentino, bago ito ay nagkaroon sila ng mahaba at personal na pag-uusap ni dating pangulong Rodrigo Duterte kung saan naintindihan naman umano nito ang kanyang rason.
Isa sa mga rason na binanggit ni Tolentino sa kanyang pagbaba ay ang taliwas na prinsipyong mayroon siya at ang Partido tungkol sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Anya, ang itinutulak kase ng PDP ay bilateral talks samantalag multilateral talks ang nais niya.
Ngunit sa kabila ng kanyang naging desisyon, tiniyak niyang mananatili ang kanyang malalim na pagkakaibigan kay Duterte at tiwala siyang hindi pa rin dapat papasukin ang International Criminal Court (ICC) sa bansa.