Sec. Tulfo nag-sorry na kaugnay  sa ‘insulting’ remark sa mga guro re: education aid

Humingi ng paumanhin si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa mga guro, matapos nitong sabihin na maaring paboran ng ilang guro ang piling mga estudyante, kung isasama o idadaan pa sa kanila ang pamamahagi ng educational cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang paghingi ng paumanhin ni Tulfo ay matapos umalma ang ilang teacher groups, gaya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC), at tinawag itong prejudiced at insulto sa kanila.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Paliwanag ni Tulfo, hindi niya intensyon na masaktan ang damdamin ng mga guro.

Nais lang umano niyang ipunto dito, na baka maakusahan ang mga guro na pumapabor sa ilang tao, kung hihingin pa ang kanilang sa pamamahagi ng naturang financial aid.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Samantala, denepensahan naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga public school teachers, at sinabing laging modelo ang mga ito ng professionalism, at ang kanilang dedikasyon at commitment sa public service ay higit pa sa self-interest.