P300 million educational assistance naipamahagi ng DSWD sa loob ng dalawang Sabado

Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga indigent learners ng halos P300 million na educational assistance, sa loob ng dalawang Sabado na pamamahagi nito.

Ayon kay DSWD Erwin Tulfo, 66,000 hanggang 68,000 na mga estudyante na ang kanilang nabibigyan ng naturang grant.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Una nang inanunsyo ng DSWD na hanggang tatlong mga estudyante bawat indigent family ang makakatanggap ng cash aid na nagkakahalaga ng P1,000 para sa elementary students, P2,000 para sa high school, P3,000 para sa senior high school, at P4,000 para sa tertiary student na naka-enrol sa college o technical-vocational school.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Kaugnay nito, 400,000 indigent students ang inaasahang makakabenepisyo mula sa educational cash support matapos na maglaan ang gobyerno ng P1.5 billion para sa naturang programa.