KORONADAL CITY- HUWAG maniwala sa mga “too good to be true” at “double your money” investment scheme dahil malaki ang posibilidad na ito ay isang scam.
Ito ang payo ni Securities and Exchange Commission o SEC Davao Extension Office Director Atty. Katrina Ponco-Estares sa publiko sa gitna ng paglitaw ng mga bagong modus ng investment scams.
Ayon kay Ponco-Estares na hindi na face-to-face ang mga investment scam ngayon dahil ang mga scammers ay gumagamit na ng mga private groups, email, text messaging at gaming sa panloloko gamit ang virtual money.
Ilan sa mga illegal investment schemes sa Region 11, Region 12 at Maguindanao na namonitor at na-flagged down ng SEC ay ang Leefire, Sengre, LFC Football at BF Football.
Inihayag ng opisyal na bago maglabas ng pera para sa investment, siguruhin muna na may secondary license mula sa SEC ang kompanya at maging ang mga nang-eengganyo na mag-invest ay dapat rehistrado din.
